Dating defense minister ng Mexico, inaresto sa US
Inaresto sa Estados Unidos, si dating Mexican defense minister Salvador Cienfuegos dahil sa mga kasong hindi tinukoy.
Sinabi ni Foreign Minister Marcelo Ebrard, na ipinabatid sa kaniya ni US ambassador to Mexico, Christopher Landau, na si Cienfuegos na naging defense chief mula 2012-2018, ay nakaditini sa Los Angeles airport.
Si Cienfuegos ang namuno sa defense ministry sa ilalim ni dating president Enrique Pena Nieto.
Siya rin ang ikalawang dating Mexican minister na nakakulong sa Estados Unidos.
Si dating public security minister Genaro Garcia Luna ay dinakip sa Texas noong December 2019, matapos pahintulutan ang kilalang Sinaloa cartel na makapagpuslit ng mga droga sa Amerika, kapalit ng malaking halaga ng suhol.
© Agence France-Presse