Dating DFA Sec. Albert del Rosario, umalma sa pagkansela ng DFA sa kaniyang diplomatic passport

Umalma si dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario sa
planong pagpapawalang bisa ng Department of Foreign Affairs sa mga courtesy diplomatic passports ng mga dating kalihim ng DFA at mga
diplomats.

Una nang nagdesisyon ang DFA na kanselahin ang lahat ng courtesy
diplomatic passports matapos ang ginawang pagharang kay Del Rosario sa
Hongkong.

Diplomatic passport ang gamit ni Del Rosario na inisyu noong panahon
ni dating Secretary Perfecto Yasay sa pamamagitan ng Department order
No. 12-1993 na nakatakdang mag-expire sa December 19, 2012.

Pero ayon kay Del Rosario. labag sa batas ang hakbang ng DFA dahil ang
pag-iisyu ng diplomatic passport ay nakapaloob sa Philippine Passport
Act.

Nangangahulugan ito na kailangan pa ring idaan sa Kongreso kung
aamyendahan o tatanggalin ang ilang probisyon ng batas.

Nauna nang binatikos ng ilang mambabatas ang paggamit ni Del Rosario
ng diplomatic passport dahil sa kasalukuyang batas kasama sa mga
maaring maisyuhan ng diplomatic passport ang mga Ambassador extraordinary and plenipotentiary at hindi kasama ang mga dating
Cabinet secretaries.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, sa ilalim ng Philippine
Passport act of 1996, maaari lang magamit ang diplomatic passport sa mga
official mission o official travel.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *