Dating DPWH Secretary Rogelio Singson at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng kagawaran, kinasuhan sa Ombudsman

Sinampahan ng kasong plunder at graft sa Office of the Ombudsman si dating Public works and highways secretary Rogelio Sinsgon at 33 iba pa na dati at kasalukuyang opisyal at kawani ng DPWH Region 12 at mga pribadong indibidwal kaugnay sa road right-of-way scam sa General Santos City.

Bukod sa plunder ay graft, ipinagharap din ng grave misconduct at dishonesty ang mga opisyal na sangkot.

Kinasuhan rin ang Auditor mula sa Commission on Audit at Land Registration Authority o LRA.

Inireklamo din ang itintuurong lider ng sindikato na si Wilma Mamburan at nelson Ti na financier ng grupo at sinasabing malapit na kaibigan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang kaso ang nag-ugat sa sulat ng whistleblower na si Roberto Catapang sa DOJ na nagsiwalat sa sabwatan ng sindikato at mga opisyal ng DPWH para sa nasabing modus.

Ayon sa National Bureau of Investigation o NBI, nakipagsabwatan si Singson at iba pang mga respondents sa sindikato para aprubahan ang hiling na kabayaran sa mga claim sa roght-of-way para sa mga property na tatamaan ng Infrastructure project sa General Santos city kahit pekeng titulo ng lupa ang ginamit.

Ang kasong inihain ng NBI ay batay pa lamang sa siyam na Disbursement vouchers at claim na may fake land titles.

Nagkakahalaga anila ito ng 255.55 milyong piso na ipinalabas sa   limang tranches.

Inendorso anila ni Sinsgon ang pag-apruba sa siyam na claim kahit bogus ang titulo at iba pang mga dokumento.

Tiniyak ng NBI na may kasunod pang batch silang kaaksuhan na dawit sa scam para sa mahigit 200 claim.

Patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ni dating Budget secretary Florencio Abad at bayaw ni Aquino na si Eldon Cruz sa right-of-way scam.

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *