Dating Education Secretary Leonor Briones inabswelto ng Senado sa anomalya sa pagbili ng laptop
Inabswelto ng Senate Blue Ribbon Committee sa anumang pananagutan sa overpriced laptop sa dating Education Secretary Leonor Briones.
Ayon kay Senador Francis Tolentino, Chairman ng Komite, lumalabas na ginamit lamang ng mga nagsabwatang opisyal ng Department of Education at procurement service ng Department of Budget and Management Briones para matuloy ang kanilang transaksyon.
Ang naging partisipasyon lang aniya nito ay lumagda sa agency procurement request para sa pagbili ng mga laptop at wala na itong kinalaman sa naging transaksyon sa mismong procurement.
Samantala, wala ring inirekomendang anumang kaso laban kay dating Budget Secretary Wendell Avisado bagamat saklaw nito ang PS-DBM na nanguna sa procurement ng laptops.
Sinabi ni Tolentino na walang direktang kaugnayan si Avisado sa transaksyon lalo pa’t lumabas sa pagdinig na hindi nila direktang saklaw ang PS-DBM.
Meanne Corvera