Dating Health Secretary Janet Garin, nadiin sa pagdinig sa Senado…. Dengvaxia hindi daw dapat agad itinurok sa mga bata- former Health Secretary Enrique Ona

Hindi raw isinama ni dating Health Secretary Enrique Ona sa programa
noon ng Aquino adminisration ang anti-dengue vaccine dahil hindi pa
tapos ang clinical trial.

Si Ona ang dating kalihim ng Department of Health mula June 2010
hanggang December 2014.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue ribbon committee, inamin ni
Ona na halos taun-taon nagsasagawa ng briefing ang kumpanyang Sanofi
Pasteur pero wala siyang nakuhang assurance na ligtas ang mga bata
kapag itinurok ang bakuna.

Sa datos aniya, umaabot sa mahigit 100,000 katao ang tinatamaan ng
dengue taun-taon.

Pero hindi pa rin kasama ang dengue sa mga nangungunang sakit na
nagreresulta ng mataas na mortality rate sa mga Pilipino.

Former Health Sec. Enrique Ona:
“I had high hopes like many others that the vaccine being developed
would eventually control this mosquito-borne disease that affects more
than a hundred thousand Filipinos or patients annually and scares so
many of our foreign visitors and tourists”.

Dahil dito, hindi rin aniya dapat agad itinurok ang bakuna  sa halos
isang milyong kabataan.

Kung siya raw ang tatanungin, hindi dapat pinayagan ng kaniyang
successor na si dating Secretary Janet Garin ang distribusyon ng bakuna
na nagdulot na ng healthcare nightmare.

Former Health Sec. Enrique Ona:
In light of this Sanofi Pasteur advisory on the use of anti-dengue
vaccine Dengvaxia, the leadership that took over the DOH after I left
in December 20, 2014 are solely responsible for all the decisions that
has resulted in what was becoming to be a major health nightmare in
the country”.

Pero dumepensa si Garin at iginiit na si Ona ang nagdala sa kanya kay
dating pangulong Aquino  para pag-usapan ang dengue vaccine.

Iginiit ni Garin na wala siyang direktang access noon sa Pangulo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *