Dating IloIlo City Mayor Jed Mabilog, binuweltahan ni Senador Bato dela Rosa
Binuweltahan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si dating IloIlo Mayor Jed Mabilog, matapos siyang akusahan nito ng tangkang pagpatay umano sa alkalde.
Sa pagdinig ng kamara kahapon, una nang sinabi ni Mabilog na pipilitin umano siyang ituro sina dating Senador Mar Roxas at Franklin Drilon bilang drug lords, na kapag hindi niya nagawa ay balak siyang patayin.
Dating IloIlo Mayor Jed Mabilog
Pero ayon kay dela Rosa, noong hepe pa siya ng PNP, nakausap niya noon si Mabilog at humingi ito sa kaniya ng tulong dahil umano sa pagkakadawit sa illegal drugs.
Sinabihan niya ito na kung natatakot, pumunta sa kaniya sa Kampo Krame at tiniyak niya ang kaligtasan nito.
Sinabi rin niya rito na kukumbinsihin niya si dating pangulong Rodrigo Duterte na matino si Mabilog, katunayan ay tumutulong ito sa anti drug war efforts ng gobyerno.
Nangako aniya ito na magkikita sila sa Kampo Krame pero ang nakarating sa kaniyang impormasyon ay umalis ito ng bansa at nagtungo sa Japan.
Sabi ni dela Rosa, hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ni Mabilog na pupuntahin siya sa kampo ng mga pulis para lamang patayin.
Si Mabilog at ang kaniyang pamilya ay pitong taong namalagi sa Amerika dahil sa pagdadawit sa kaniya sa illegal drugs operations noong nakaraang administrasyon.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa:
“Before Mayor Jed Mabilog disappeared, tumawag sya sa akin at very much worried daw sya for his safety. I told him, so far ang pagkakilala ko sa iyo mabait ka na mayor at tumutulong ka sa anti drug efforts ng PNP. Di bale kung takot ka, pumunta ka dito sa akin sa crame and I can assure you walang mangyayari sa iyo. Kukumbinsihin ko si presidente na matino ka na tao. Sabi nya, yes, sir, pupunta ako dyan. Later on, tumawag sya ulit sa akin na hindi na daw sya pupunta sa akin kasi may nag advise daw sa kanya. Hindi ko lang sure kung sinabihan nya ako na lilipad na sya papuntang Japan or natanggap ko na lang ang info na yan later, very incredible naman yun na papuntahin ko sya sa Camp Crame para patayin?”
Meanne Corvera