Dating Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., pinakakasuhan ng graft at malversation ng Ombudsman sa Sandiganbayan
Pinasasampahan ng kasong graft at malversation ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Iloilo Rep. Niel Tupas Jr.
Kaugnayan ito sa umano’y maling paggamit ni Tupas ng pork barrel nito nang siya ay kongresista pa.
Nahaharap si Tupas sa dalawang bilang ng kasong graft, isang bilang ng malversation, at isa ring bilang ng malversation through falsification of public documents dahil sa umano’y maanomaliyang paggamit ng P5 million pesos na pork barrel noong 2008.
Bukod, sa dating kongresista, nahaharap din sa kaparehas na mga kaso sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) na sina Alan Javellana, Rhodora Mendoza, Romulo Relevo, at Ma. Julie Villaralvo-Johnson, at Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation, Inc. (KKAMFI) project coordinator Marilou Antonio.