Dating Justice secretary Vitaliano Aguirre, ipinagmalaking naging mas maayos ang kalagayan ng DOJ sa ilalim ng kaniyang panunungkulan

 

Ipinagmalaki ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II na mas bumuti ang kalagayan ng DOJ sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Sa statement ni Aguirre, sinabi nito na ikinagagalak niya na sa tulong at kolektibong pagsisikap ng mga kawani at opisyal ng DOJ ay iiwan niya ang kagawaran na mas mahusay.

Naniniwala si Aguirre na natupad ang kanilang pangako na mapabuti ang DOJ kaysa nang datnan nila ito.

Pinasalamatan din ni Aguirre si Pangulong Duterte sa tiwala at kumpiyansa sa kanya bilang una nitong Justice secretary.

Nagpasalamat din ang dating kalihim sa lahat ng kanyang mga undersecretary, assistant secretary, lahat ng mga opisyal ng DOJ at maging ang lahat ng mga opisyal ng mga ahensyang nasa ilalim ng kagawaran dahil sa kanilang kooperasyon.

Sinabi pa ni Aguirre na hindi siya nalulungkot sa pagtatapos ng kanyang pamumuno sa DOJ, at sa halip, siya pa umano ay nagpapasalamat.

Umapela rin si Aguirre ng kooperasyon mula sa mga bumubuo ng DOJ para sa mauupong bagong kalihim ng kagawaran na si secretary Menardo Guevarra.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *