Dating Laguna Governor ER Ejercito, hinatulang Guilty ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian
Hinatulang Guilty ng Sandiganbayan 4th division si dating Laguna Governor ER Ejercito kaugnay ng umano’y maanumalyang insurance deal na pinasok ng lokal na pamahalaan ng Pagsanjan noong 2008.
Sa desisyon ng anti-graft court si Ejercito ay pinatawan ng pagkabilanggo ng mula anim hanggang walong taon.
Pinagbabawalan na rin itong humawak ng anumang posisyon sa gobyerno habang buhay.
Maaari namang makalaya pansamantala si Ejercito kung magbabayad ito ng multa na 30 libong piso habang inaapela pa niya ang hatol sa kanya.
Ang kaso ay may kaugnay sa insurance deal na pinasok ni Ejercito noong alkalde pa siya ng Pagsanjan sa First Rapids Care Ventures noong 2008 ng hindi dumaan sa public bidding.
Ang nasabing insurance deal ay para sa accident protection at financial assistance sa mga turista at boatmen na dumadaan sa Pagsanjan Tourist zone.
Ulat ni Madz Moratillo