Dating Manila Vice Mayor Isko Moreno balik gobyerno matapos italaga ni Pangulong Duterte bilang myembro ng Board of Directors ng Northrail

 

Balik na sa pamahalaan si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno matapos  italaga ni Pangulong Duterte bilang myembro ng Board of Directors ng Northrail o North Luzon Railways Corporation.

Sa kanyang appointment paper, bubunuin ni Moreno ang unexpired term ni Jose Martin Orisa Aliling na pinalitan niya sa pwesto.

Magsisilbi si Moreno sa Northrail hanggang sa June 30, 2018.

Ang Northrail ay attached agency ng Department of Transportation na binuo para magtayo ng mabilis at maaasahang railway system sa gitna at hilagang luzon.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *