Dating mga hepe ng BJMP, kasama sa iimbestigahan ng PACC kaugnay ng maling implementasyon ng GCTA Law
Malawak ang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor).
Ayon kay Atty. Manuelito Luna, hindi lamang limitado sa mga Bucor officials ang imbestigasyon kundi kasama rin ang mga naging hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula 2014 hanggang 2019.
Ito aniya ay upang maging patas sa lahat ang imbestigasyon.
Pero hindi aniya kasama sa kanilang iimbestigahan si dating Bucor Chief at ngayo’y senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil wala silang hurisdiksyon na imbestigahan ang isang Senador at Kongresista kundi ang Ombudsman lamang.
Paliwanag ni Luna, hindi lang nasa 1,914 ang napalaya dahil sa maling implementasyon ng GCTA kundi posibleng umabot pa sa mahigit 50,000 mga heinous crimes convicts ang napalaya sa mga nakalipas na administrasyon ng Bucor at BJMP dahil sa GCTA.
“Base on data although I have yet to validate it, about 58,000 other inmates and convicts may have been released by Bucor BJMP authorities and wardens in the past several years. Kailangang i-account din ito dahil when they are out there we cannot be sure na baka patuloy o bumalik sila sa masama nilang gawain kaya dapat silang maibalik sa kulungan”.