Dating Pang. Aquino, posibleng ipatawag ng Senado
Posibleng ipatawag ng Senado si Dating Pangulong Noynoy Aquino para pagpaliwanagin sa ginawang pagmasaker sa apatnaput apat na tauhan ng PNP Special Action Force.
Ayon kay Senador Richard Gordon, ito ay kung bibigyan siya ng go signal para muling buksan ang imbestigasyon sa madugong engkwentro.
Nauna nang dunulog sa tanggapan ni Gordon ang pamilya ng labing-isa sa mga napatay na SAF44 dahil sa anilay mabagal na pag-usad ng kanilang mga isinampang kaso.
Sinabi ni Gordon na imposibleng hindi sumipot si Aquino kung wala itong itinatagong kasalanan.
Matatandaang naglabas na noon ng rekomendasyon ang komiteng pinamumunuan ni Senador Grace Poe na sinasabing si Dating Pangulong Aquino ang ultimate responsible sa nangyaring madugong bakbakan sa Mamasapano Maguindanao.
Ulat ni : Mean Corvera