Dating Pangulong Aquino at dalawang gabinete nito, ipinatawag ng DOJ para sa pagdinig kaugnay sa Dengvaxia
Ipinatawag ng Department of Justice o DOJ sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dalawang Cabinet members nito para sa pagdinig sa reklamong kriminal kaugnay sa kontrobersyal na anti-dengue mass immunization program nito.
Itinakda ang preliminary investigation ng DOJ sa reklamong inihain ng Volunteers against Crime and Corruption o VACC at Vanguard of the Philippines sa Biyernes, March 23 sa ganap na alas-10:00 ng umaga.
Si Aquino ay kinasuhan ng VACC at Vanguard ng Criminal Negligence and Reckless imprudence, Technical malversation, Causing undue injuries at ng mga paglabag sa Procurement law.
Bukod kay Aquino, sinampahan rin ng mga nasabing kaso sina Budget Secretary Florencio Abad at Health Secretary Janet Garin at iba pang mga DOH officials at maging ang mga opisyal at kawani ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.
Ang panel of prosecutors na naatasang resolbahin ang kaso ay sina Senior Assistant State Prosecutor Rossane Balauag na magsisilbing Chairperson at mga miyembro naman sina Senior Assistant State Prosecutor Hazel Decena Valdez; Assistant State Prosecutor Consuelo Corazon Pazziuagan; at Assistant State Prosecutor Gino Paolo Santiago.
Ulat ni Moira Encina