Dating Pangulong Aquino at mga dating Gabinete nito, no show sa pagdinig ng DOJ kaugnay sa Dengvaxia mess

Hindi sumipot si dating Pangulong Noynoy Aquino at mga dating gabinete nito sa pagdinig ng DOJ kaugnay sa mga reklamong kriminal na inihain laban sa mga ito kaugnay sa Dengvaxia immunization program.

Sina Aquino ay sinampahan ng VACC at ng Vanguard of The Philippine Constitution ng mga reklamong criminal negligence and reckless imprudence, technical malversation, causing undue injuries, at ng mga paglabag sa Procurement Law.

Tanging ang mga abogado lamang nina Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, at dating Budget Secretary Florencio Abad ang humarap sa preliminary investigation ng DOJ panel of prosecutors.

No show din ang mga kinatawan ng Sanofi-Pasteur pero present naman ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH at mga kinatawan ng mga opisyal ng Zuellig Pharma.

Sa pagdinig, binigyan ng DOJ ang mga respondents ng kopya ng reklamo.

Itinakda ni Senior Assistant State Prosecutor Rosanne Balauag ang susunod na pagdinig at ang pagsusumite ng kontra-salaysay ng mga respondents sa June 4.

Inatasan din ng piskalya ang mga respondents kabilang sina Aquino na humarap sa susunod na hearing para personal na panumpaan ang kanilang counter -affidavit.

Padadalhan naman ng panibagong subpoena ng DOJ ang walong opisyal ng Sanofi-Pasteur na respondent sa kaso para dumalo sa susunod na pagdinig.

Samantala, nilinaw ni Balauag na may hurisdiksyon ang DOJ sa kaso kaya nagpasya silang ituloy ang pagdinig sa reklamong inihain ng VACC at VPCI.

Bukod anya sa mga reklamong katiwalian laban sa mga respondents ay may mga reklamong paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code na isinampa laban sa mga ito na sakop ng hurisdiksyon ng DOJ.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *