Dating Pangulong Arroyo tiwala sa mga ginagawang hakbang ni Pang. Duterte kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea
Kumpiyansa si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na alam ni Pangulong Duterte ang kanyang ginagawa kaugnay ng isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni CGMA na hindi siya makapagbibigay ng payo kung ano ang dapat na gawin ni Duterte.
Hindi naman niya alam kung ano ang mga datos na alam ni Duterte bilang Pangulo ng bansa.
Panahon ni CGMA nang maisabatas ang Baseline Law ng bansa.
Kung may maibibigay siyang payo kay Duterte ito ay strategic lamang at hindi tactical o operational.
Samantala, isang primer naman na tumatalakay sa bawat bahagi ng karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas na maaaring makatulong sa isyu kaugnay sa West Philippine Sea ang inilabas ni Atty. Estelito Mendoza.
Pero nilinaw ni Mendoza na wala syang plano na iprisinta ito o humingi ng audience kay Pang. Duterte at gaya ni CGMA ay naniniwala siyang alam ng Pangulong Duterte ang kanyang ginagawa.
Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo