Dating Pangulong Noynoy Aquino at dating gabinete, naghain ng kontra salaysay sa DOJ kaugnay sa dengvaxia

Humarap sa pagdinig ng DOJ kaugnay sa Dengvaxia controversy sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Personal nilang pinanumpaan sa DOJ panel of prosecutors ang kanilang kontra-salaysay kaugnay sa mga reklamong kriminal na inihain ng VACC at ng Vanguard of the Philippine Constitution.

Sina Aquino, Garin, Abad at mahigit 40 iba pa ay sinampahan ng mga reklamong criminal negligence and reckless imprudence, technical malversation, causing undue injuries, at ng mga paglabag sa Procurement Law.

Bukod sa tatlo, naghain din ng counter-affidavit ang iba pang respondents kabilang na ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng DOH at Zuellig Pharma officials.

Wala namang kinatawan o abogado ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur.

Itinakda ng DOJ ang susunod na pagdinig sa June 22 para sa pagsusumite ng reply affidavit ng mga complainant.

Iginiit nina Aquino at Garin na hindi nakamamatay ang Dengue vaccine kundi ang kagat ng lamok batay mismo sa World Health Organization.

Ayon pa sa kanila, ang sinoman ay pwedeng magka-severe dengue naturukan man o hindi ng Dengvaxia.

Binigyang-diin pa ng dating Pangulo na mas marami ang nabigyan ng proteksyon ng Dengvaxia kaysa 1600 katao o .2% na maaring magkaroon ng severe dengue mula sa mahigit walongdaang libong nabakunahan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *