Dating Pangulong Noynoy Aquino nanindigan ligal ang pagapruba sa paggamit ng savings para ipambili ng dengvaxia vaccines

Idinipensa ni Dating Pangulong Aquino ang pag-apruba niya sa paggamit ng savings ng gobyerno para bilhin ang 3.5 billion pesos na halaga ng isang milyong vial ng Dengvaxia vaccine.

Isa sa mga reklamong kinakaharap ni Aquino ay ang technical malversation dahil sa pagpapahintulot na magamit ang savings ng gobyerno sa programa na wala naman sa ilalim ng 2015 General Appropriations Act.

Sa kanyang counter affidavit na isinumite sa DOJ, iginiit ni Aquino na ligal at walang iregularidad sa pag-apruba niya sa hiling na dagdagan sa pamamagitan ng savings ang pondo ng DOH noong 2015 para sa Expanded Program on Immunization kung saan kinuha ang pagbili ng Dengvaxia.

Sumunod din anya siya sa nakasaad sa 2015 General Appropriations Act at sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Noong 2014 pa lang anya ay inanunsyo na ni Dating Health Secretary Enrique Ona ang tungkol sa dengue vaccine na sumasailalim sa testing sa Pilipinas at ang balak na maglaan ng budget para sa bakuna sa ilalim ng vaccination program ng DOH para sa taong 2015.

Pero nabatid na sa ilalim ng Expanded Program on Immunization sa 2015 GAA, sampung gamot o bakuna ang nakalista at pinaglaanan ng gobyerno ng 3.3 billion pesos at hindi kasama sa listahan ang Dengvaxia.

Nang aprubahan din ng Kongreso ang 2015 GAA noong December 2014 ay hindi pa lumalabas ang resulta ng Phase III Eficacy Studies ng Dengvaxia.

Bukod sa mga ito, nang simulan ang bidding at proseso ng procurement sa Dengvaxia noong Enero 2016 ay hindi pa lumalabas ang rekomendasyon ng Formulary Executive Council para sa provisional exemption ng Dengvaxia na isa sa mahalagang rekisito sa pagbili ng pamahalaan ng bakuna.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *