Dating pinuno ng DBM, ipinasubpoena na ng Senado
Pinadalhan na ng subpoena ng Senate Blue ribbon committee ang nagbitiw na opisyal ng DBM na si Loyd Christopher Lao para humarap sa pagdinig ng Senado sa kinukwestiyong pondo ng Department of Health laban sa COVID-19 .
Sa subpoena na pirmado ni Senate President Vicente Sotto si Lao ay pinadadalo sa pagdinig sa August 25, miyerkules.
Inaatasan si Lao na magpaliwanag sa umanoý overpriced na mga facemask at faceshield na bahagi ng medical supplies ng DOH binili ng DBM procurement service kung saan si Lao ang dating pinuno.
Kailangan rin aniya nitong ipaliwanag ang proseso bakit inilipat ng DOH sa DBM ang pondo para sa medical supplies.
Sa impormasyon ng tanggapan ni Senador Richard Gordon si Lao ay hindi naman lumabas ng bansa batay sa kanilang natanggap na certification mula sa Bureau of immigration.
Si Lao ay nagbitiw na sa pwesto noong Hunyo pero may pahayag na itong handang humarap sa imbestigasyon ng Senado.
Meanne Corvera