Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, umatras na sa pagtakbo bilang Senador
Inanunsyo ni Dating Presidential Spokesperson Harry Roque na bumitiw na siya sa pagtakbo bilang senador.
Sa kanyang mensahe sa Malacañang media sinabi ni Roque na sumailalim siya sa Percutaneous Coronary intervention o operasyon sa puso.
Sa huling mga araw kasama ang kanyang pamilya, napilitan raw siyang harapin ang katotohanan na dahil sa kanyang pisikal na sitwasyon ay hindi na niya kakayanin pang makatakbo bilang Senador.
Nagpasalamat naman si Roque sa kanyang mga tagasuporta.
Tumakbo raw siya para maging Senador dahil gusto niyang maglingkod sa isang paraan kung saan alam niyang magiging epektibo siya.
Anuman aniya ang isipin ng iba tungkol sa pulitika, ang mga nakikakilala raw sa kanya ang magpapatoo sa kanyang dahilan sa pagtakbo sa Senado.
Umaasa naman siya na darating ang tamang pagkakataon para makapaglingkod sa bayan bilang isang mambabatas o anumang kapasidad.
Asahan raw ng taumbayan na patuloy niyang susuportahan si Pangulo at ang kanyang admistrasyon dahil para raw ito sa ikabubuti ng bansa.
Ulat ni Vic Somintac