Dating pulis at PDL na si Jimmy Fortaleza, lumaya na ayon sa BuCor
Inanunsiyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinalaya na nito ang PDL na si Jimmy Fortaleza.
Si Fortaleza ay dating pulis na kabilang sa mga tumestigo sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara, ukol sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Colony.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., pinagtibay ng korte sa Muntinlupa City ang petition for habeas corpus with prayer for computation of Special Time Allowance for Loyalty (STAL).
Si Fortaleza ay una nang hinatulan ng reclusion perpetua para sa tatlong counts ng kasong murder at iba pang kaso.
Batay sa ruling ng hukuman, nabawasan ang sentensya nito na 32 taon sa walong taon matapos na paboran ang petisyon.
Si Fortaleza ay noon pang June 8, 2008 o mahigit 29 taon nang nakakulong kaya natapos na nitong pagsilbilhan ang sentensya niya.
Sinabi ni Catapang na ipababatid nila ang nasabing desisyon ng korte sa Quad Comm kung saan ito nagsilbing testigo.
Moira Encina-Cruz