Dating Sandiganbayan Presiding Justice itinalaga ng Pangulo bilang bagong special prosecutor ng Office of the Ombudsman
May nahirang na si Pangulong Duterte na bagong special prosecutor ng Office of the Ombusdman.
Ito ay si retired Sandiganbayan Justice Edilberto Sandoval.
Siya ang papalit kay Wendell Barreras-Sulit na binakante ang pwesto noong Marso.
Ilan sa mga pinagpilian ni Duterte para sa special prosecutor post si Atty. Vernard Quijano, Makati City Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon, acting Ombudsman Special Prosecutor Omar Sagadal, Polytechnic University of the Philippines Law Professor Arnold Bayobay at dating Ombudsman Mindanao Lawyer Eusebio Avila.
Mayroong fixed term na pitong taon ang special prosecutor.
May kapangyarihan ito na magsagawa ng preliminary investigation at mag-usig ng mga kasong kriminal laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na nasa hurisdiksyon ng Sandiganbayan at pumasok sa mga plea bargaining agreement at ikunsidera na maging state witness ang isang akusado.
Ulat ni: Moira Encina