Dating SAP Bong Go, tututukan ang BFP at Malasakit centers sakaling maging Senador

 

Pagtutok at pagpapalawig ng mga malasakit centers at mga batas na tututok sa Bureau of Fire protections ang ilan lamang sa mga agendang inilatag ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go sakaling maupo bilang Senador.

Aniya, mahalaga aniyang matutukan ng pamahalaan ang Malasakit centers at mga pagbibigay ng pansin sa kalusugan ng mamamayang Filipino.

Nias maayos niGo ang kakulangan ng mga ospital dahil karamihan sa mga na-admit sa pampublikong ospital ay pawang mga nasa pasilyo lamang.

Samantala, binigyang pansin din ni Go ang pagtutok sa Bureau of Fire Protection upang maibsan na ang nagaganap na mga sunog na madalas mangyari sa mga magkakadikit na mga bahay.

Kaninang madaling araw ay namahagi ng ayuda si Go sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay 8 at 14 sa Caloocan city.

Binisita nito ang mga residenteng mga nasa evacuation centers.

Ilan sa tulong na ibinahagi ni Go ay ang mga biglaang pangangailangan tulad ng damit at pagkain..

aniya bahagi pa rin ito ng kanyang adbokasiya na makatulong sa mga nangangailangan.

Bukod dito ay inaasahan din na pagkakalooban ng tulong mula sa National Housing Authority ang mga nasunugan para sa kanilang panibagong mga tahanan.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *