Dating Sen. Bong Revilla pinayagan ng Sandiganbayan na mabisita ang ama na nasa ospital
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni dating Senador Bong Revilla Jr., na payagan siyang mabisita ang may sakit na ama sa ospital.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 1st Division, pinayagang makalabas si Revilla sa kaniyang detention cell para madalaw ang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr., na ngayon ay naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.
Batay sa desisyon, sa June 19, araw ng lunes, pinayagan si Revilla na makapunta sa ospital alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.
Sa June 20 naman araw ng Martes, pinayagan si Revilla mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Mas maiksi ang pinagbigyang oras ng Sandiganbayan kumpara sa original na oras na hirit ng kampo ni Revilla.
Sa kaniyang misyon, hiniling ni Revilla na payagan siya mula 6am hanggang 12nn sa Lunes at 2pm hanggang 8pm sa Martes.
Ang nakatatandang Revilla ay mayroong sakit sa puso at nakatakdang sumailalim sa operasyon.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo