Dating Sen. Bongbong Marcos nabayaran na ng buo ang ₱66M na electoral protest fee
Nabayaran na nang buo ni dating Senador Bongbong Marcos ang 66 million pesos na electoral protest fee ilang araw bago ang itinakdang deadline ng Korte Suprema sa July 14.
Ito ay matapos magbayad si Marcos ng karagdagang 30 milyong pesos cash deposit para umusad ang kanyang protesta laban kay Vice-President Leni Robredo.
Sinabi ni George Garcia, abogado ni Marcos, dalawang managers check na nagkakahalaga ng 30 million pesos ang kanilang ibinayad sa Cash Collection and Disbursement Division sa Korte Suprema nitong Lunes, July10.
Ang nasabing malaking halaga ay nalikom aniya mula sa tulong ng mga kaibigan at sa pamamagitan ng pagbebenta ni Marcos ng kanyang condominium unit.
Una nang nagbayad noong Abril si Marcos ng 36 million pesos na election protest fee na gagamitin sa pagproseso ng mga kinukwestiyon niyang balota mula sa ibat ibang polling precincts sa bansa.
Si Robredo ay kailangan pang magbayad ng 7.4 million pesos para sa kanyang ikalawang installment sa counter electoral protest na inihain niya laban kay Marcos.
Ulat ni: Moira Encina