Dating Sen. Jinggoy Estrada, posibleng gawing state witness sa DAP scam – DOJ

Posibleng gawing state witness sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program fund scam si dating Senador Jinggoy Estrada matapos itong pansamantalang makalaya mula sa kanyang pagkakakulong sa PNP Custodial Center.

Una rito, pinayagan ng Sandiganbayan si Estrada na makapagpiyansa  sa kanyang kasong plunder at graft kaugnay sa pagkakasangkot nito sa DAP fund scam.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaaring gamitin ang testimonya ni Estrada para patunayang  maynangyaring anomalya at hindi tamang paggamit ng DAP.

Aniya, bilang beneficiary sa DAP ay walang pananagutan si Estrada alinsunod sa ruling ng Korte Suprema na tanging mananagot lamang ay ang author ng programa.

Una nang inamin ni Estrada na nakatanggap siya at iba pang Senador ng 50 milyong piso sa kanilang DAP para sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *