Dating Sen. Juan Ponce Enrile, tumayong abogado ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa House hearing
Si dating Sen. Juan Ponce Enrile ang tumayong abogado ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pagharap nito sa pagdinig ng Kamara hinggil sa maanomaliyang pagbili ng probinsya ng P66.45 million halaga ng mga sasakyan gamit ang tobacco excise funds.
Sa muling pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Enrile na bilang pagkilala sa ama ni Gov. Imee na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, kaya pumayag siyang maging abogado nito.
Iginiit din ni Enrile na ang kanyang serbisyo para kay Marcos ay pro-bono lamang.
Bukod kay Enrile, tumatayo ring abogado ni Marcos si dating Solicitor General Estelito Mendoza.