Dating Senador Antonio Trillanes, nagbantang ibubunyag ang drug links ni Pangulong Duterte
Nagbanta si Senador Antonio Trillanes na ilalantad ang kaugnayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade .
Kasunod ito ng kasong sedisyong isinampa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Trillanes at 35 iba pa na iniuugnay sa ang totoong Narcolist .
Ayon kay Trillanes, gagamitin nya ang pagkakataon para mailabas ang kaugnayan ni Duterte sa iligal na droga.
Sabi ni Trillanes, malinaw na political persecution at harassment ang ginawa ng Duterte administration na wala ibang pakay dito kundi gipitin ang mga hindi sumasang ayon sa administrasyon.
Binuweltahan rin nito ang PNP-CIDG sa pag-abuso at maling paggamit ng kanilang subpoena power dahil sa pagpuntirya sa mga taga oposisyon.
Wala naman aniyang hawak na ebidensya ang pulisya laban sa kanya at sa iba pang taga-oposisyon pero pinakakasuhan pa rin sila batay sa testimonya ni alyas bikoy na ilang beses nang nagsinungaling sa publiko.
Pinuna ni Trillanes na libu-libong homicide cases at hinihinilanag extrajudicial killing cases ang hindi nalulutas ng PNP at hindi umuusad pero nagkukumahog sa mga kaso laban sa taga-oposisyon.
Senador Trillanes statement:
”The filing of cases against key members of the opposition are clear acts of political persecution and harassment by the Duterte administration meant to stifle democratic dissent. The PNP-CIDG investigators clearly abused and misused the subpoena power recently bestowed on them to single out critics of the Duterte administration. Alam nila na wala silang hawak na ebidensya kundi ang salaysay ng isang testigo na ilang ulit nang nagsinungaling sa publiko, pero tinuloy pa rin ang pag-file ng kaso. Ang libu-libong homicides under investigation na suspected EJKs ay hanggang ngayon ay hindi nila malutas at hindi umuusad pero pag oposisyun, dali-dali sila. Sana lang ay mag-isip nang malalim at hindi magpagamit sa pulitika ang mga DOJ prosecutors na mag-iimbestiga nitong kasong ito. Bagkus ay gawin ang nararapat para lumabas ang katotohanan. Anu’t-ano pa man, haharapin ko ito at gagamitin kong pagkakataon na mailabas ang kaugnayan ni Duterte sa iligal na droga”.