Dating Senador Bongbong Marcos at Comelec, pinagku-komento ng PET sa hirit ni VP Leni Robredo na ituring na Valid vote ang 25% shading sa balota

 

Inatasan ng Presidential Electoral Tribunal sina Dating Senador Bongbong Marcos at Comelec na magkomento sa apela ni Vice-President Leni Robredo na kumukwestiyon sa  pagbasura ng tribunal sa kanyang hirit na ituring na valid votes  ang 25-percent threshold na shading sa balota.

Binigyan ng 10 araw ng PET ang kampo ni Marcos at ang Comelec para maghain ng komento.

Una nang ibinasura ng PET ang mosyon ni Robredo dahil sa kawalan ng pinagbatayang panuntunan.

Nais ni Robredo na ibaba ng PET ang threshold percentage sa 25% sa isinasagawang manual recount sa election protest ni Marcos.

Katwiran ni Robredo ginamit ng Comelec ang 25% threshold noong may 2016 elections.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *