Dating Senador Bongbong Marcos maghahain sa Korte Suprema ng komento sa hirit ni Vice-President Robredo na bilangin ang 25% na shading sa balota sa Manual recount

Personal na ihahain ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal ang komento nito sa hirit ni Vice President Leni Robredo na bilangin  ang 25% shading sa balota sa isinasagawang manual recount.

Nakatakdang ihain ni Marcos ang kanyang komento mamayang alas dies y medya ng umaga.

Ayon sa kampo ni Marcos, ito ay bilang paggunita na rin sa ika-100 linggo ng kanyang election  protest ngayong araw.

Una nang ibinasura ng PET ang mosyon ni Robredo dahil sa kawalan ng pinagbatayang panuntunan.

Iginiit ng PET na wala silang nalalaman na alinmang Comelec Resolution na nagtatakda ng 25-percent threshold sa shading ng balota para ituring na valid vote.

Ipinaliwanag pa ng PET na ang final reduction at final addition sa mga boto ay mangyayari lamang kapag napagpasyahan na ng tribunal ang mga objections ng mga partido sa kaso.

Katwiran naman ni Robredo ginamit ng Comelec ang 25% threshold  sa  pagbilang ng boto noong may 2016 elections.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *