Dating Senador Bongbong Marcos, nanawagan sa Comelec at Smartmatic na sagutin ang mga alegasyon ng dayaan noong 2016 elections na isiniwalat ni Senador Sotto
Dapat sagutin ng Commission on Elections o Comelec at Smartmatic ang lahat ng isyu ng dayaan noong 2016 elections na ibinunyag ni Senador Tito Sotto sa priviledge speech nito sa Senado.
Iginiit ni dating Senador Bongbong Marcos na dapat maimbestigahan ang mga anumalya sa nakalipas na halalan.
Ikinatuwa ni Marcos na nagsasalita na rin ang iba pang mga lider at stakeholders ukol sa nangyaring sabwatan at manipulasyon ng Smartmatic sa resulta ng eleksyon.
Nakapagtataka aniya kung bakit sa kabila ng mga ebidensya ng malawakang dayaan ay iginawad pa rin ng Comelec ang kontrata para sa 2019 elections sa Smartmatic.
Hindi aniya nila maintindihan kung bakit ipinipilit pa rin ito ng poll body sa Smartmatic kahit napakaraming pagkukulang nito sa mga nakalipas na botohan.
Ulat ni Moira Encina