Dating Senador JV Ejercito, muling sasabak sa Senatorial race sa 2022 Elections
Muling sasabak sa Senatorial race si dating Senador JV Ejercito.
Si Ejercito ay tumakbo para sa kaniyang ikalawang termino noong 2019 pero natalo.
Ayon kay Ejercito, nais niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan niyang programa at adbokasiya sa Senado tulad ng pagsasabatas ng Universal Health Care para sa lahat ng Filipino.
Former Senator Ejercito:
“Now more than ever, the UHC which is still a work in progress, has to be prioritized and implemented properly. I will work doubly hard in order to achieve this vision. Ito ang mga dahilan kung bakit kaya ako nagdesisyon na muling humarap sa ating mga kababayan at kumandidato pagka-Senador sa halalan ng 2022″.
Inamin nito na nag-alangan siyang tumakbo dahil wala siyang sapat na pondo pero nag-alok ang ibang ibang grupo para sa kanyang kampanya.
Bukod dito, posible niyang muling makalaban ang kaniyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.
Gayunman, binigyan naman umano siya ng pahintulot ng kanilang ama na si dating Pangulon Joseph Estrada.
“Ang aking track record ay walang bahid ng pagnanakaw sa kabang-bayan. Kaahit na kapos sa pang-gastos sa kampanya, ang aking malinis na pangalan, ang aking track record ang aking magiging pambato sa halalan”.- Ejercito
Si Ejercito ay tatakbo sa ilalim ng kaniyang partido na Nationalist People’s Coalition.
Wala pang pahayag si dating Senador Estrada kung sasabak rin ito sa Senatorial race.
Bukod kay Ejercito, naghayag na rin ng kanilang intensyon na bumalik sa Senado sina dating Senador Francis Escudero at Antique Representative Loren Legarda.
Meanne Corvera