Dating Senador Trillanes, tinawag na hari ng black propaganda ni Senador Bong Go
Tinawag ni Senador Christopher Bong Go si dating Senador Antonio Trillanes na hari ng black propaganda.
Ayon kay Go, tuwing papalapit ang eleksyon, ginagawa umanong negosyo ni Trillanes ang paninira at pagwasak sa kredibilidad ng mga nakaupo sa gobyerno o sinumang kakandidato sa halalan.
Sa halip na magsampa ng kaso sa korte sa mga umano”y nadiskubre nitong tiwali, Niloloko aniya nito ang publiko sa pamamagitan ng paglalabas ng mga alegasyong walang batayan sa social media at mga imbestigasyon.
Katunayan, hindi lang siya at si Pangulong Duterte ang nabiktima ng black propaganda ni Trillanes.
Nag-aakusa aniya ito sa iba pero ito mismo at ang kaniyang pamilya ay sangkot rin sa kwestyonableng mga transaksyon noon sa Philippine navy.
Kumikilos na aniya ang kaniyang mga abugado para sa maaring legal na hakbang laban dito.
Iginiit ng Senador na hindi siya maaring kasuhan ng plunder dahil wala siyang ninakaw o ibinulsa mula sa pondo ng taumbayan.
Pero ipauubaya na raw nya sa publiko kung maniniwala pa sa paninira at mga recycled na alegasyon laban sa kanya.
Meanne Corvera