Dating senior deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, nanumpa na bilang bagong Justice Secretary…. Lt. Gen. Carlito Galvez itinalaga bilang Chief of Staff ng AFP

 

Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Justice secretary si Dating Senior Deputy Executive secretary Menardo Guevarra.

Ito ay matapos lagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Guevarra.

Papalitan ni Guevarra ang nagbitiw na si outgoing Justice secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaagad na nagtalaga ang Pangulo ng bagong kalihim ng DOJ dahil pinaka-sensitibo itong Departamento.

Samantala, itinalaga na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si  Lt. Gen. Carlito Galvez bilang chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at ang panunumpa ay isasabay sa panunumpa ni incoming PNP Chief na si National Capital Regional Police office o NCRPO Director General Oscar Albayalde sa April 18.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *