Dating Solicitor General, pinabubuwag ang Justice and Bar Council
Dapat na raw buwagin ang Judicial and Bar Council kung aamyendahan ang saligang batas.
Ito ang rekomendasyon ni dating Solicitor General Estelito Mendoza sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments sa isyu ng charter change.
Ayon kay Mendoza binuo ang JBC para hindi mapulitika ang pag-appoint ng justices sa Korte Suprema, Ombudsman, Sandiganbayan at iba pang hukuman.
Sa kasalukuyang proseso, ang mga nais maging justice ay nag aaplay sa JBC.
Pero ang JBC ang sumasala at nag aapruba sa anumang listahan na isusumite sa Pangulo.
Miyembro nito ang Chief Justice at Justice Secretary na kapwa appointee ng Pangulo.
Giit ni Mendoza dapat ang sinumang maitalagang justice dapat idaan sa pagsusuri ng Commission on Appointments o mga miyembro ng kongreso na hindi kontrolado ng Pangulo.
Dapat ibalik rin daw ang inalis na probisyon sa 1987 constitution na maaring magdekalra ng Martial Law kung may banta na sa seguridad.
Pangamba ni Mendoza baka nagkakaroon na nang giyera bago pa makapagdeklara ng Martial Law.
Kung aamyendahan naman daw ang Saligang Batas sinabi ni Mendoza na dapat constituent assembly ang gawing proseso at kailangang hiwalay na boboto ang Kamara at Senado.
Meanne Corvera