Dating sundalo at dalawang iba pa arestado sa buy-bust operation sa zamboanga City
Arestado ang isang high-value target na dating sundalo at dalawang iba pa, habang P6.8 milyong halaga naman ng mga ilegal na droga ang nasamsam sa isinagawang anti-drug operation sa Zamboanga City.
Sinabi ni Maj. Chester Natividad, Zamboanga City Police Office (ZCPO) Station 11 chief, na ang naarestong mga suspek na pawang taga Jolo, Sulu ay nakilalang sina Jaafar Ekong, 51, isang dating sundalo na nag-AWOL, Darwisa Ibbo, 48; at, Toto Samson, 32.
Ayon kay Natividad, ang tatlon suspek ay naaresto sa isang anti-drug operation sa Purok 2, Phase 1, Lobregat Village sa Barangay Calarian, Zamboanga City.
Nakuha sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million, P1,499,000 boodle money, isang genuine P1,000 bill na marked money na nakalagay sa isang face mask box, at isang cellular phone.
Ayon kay Natividad, inaalam na nila ang supplier ng shabu ng mga suspek na dalawang buwan din nilang sinubaybayan, dahil sa mailap ang mga ito.
Pinuri naman ni Col. Rexmel Reyes, ZCPO director, ang operating units na kinabibilangan ng ZCPO Station 11, City Drug Enforcement Unit, at ng 2nd City Mobile Force “Seaborne” Company para sa matagumpay na anti-drug operation
Ayon kay Reyes . . . “Amid the health pandemic, and the celebration of the Yuletide season, the anti-illegal drugs operation will continue without let-up and will be unrelenting as ever.”
Aniya, ang kolaborasyon sa pagitan ng mga tauhan ng intelligence units at ng komunidad ay malaki ang naitulong sa naging tagumpay ng naturang anti-drug operation.