Datos ng mga nagugutom posibleng lumobo pa dahil sa kawalan ng financial aid ng gobyerno – Senador Drilon
Nagbabala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na titindi pa ang hunger crisis dahil sa kakulangan ng tulong pinansyal lalo na sa mga mahihirap na mga pamilya.
Sa harap ito ng report ng Social weather station na umabot na sa 7. 6 million household ang nakakaranas ng kagutuman
Ayon kay Drilon, ang survey ay nagpapatunay na dapat isama ang social amelioration program o ayuda kapag Inaprubahan ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Nauna nang nadismaya si Drilon Dahl hindi kasama ang sap sa popondohohan ng gobyerno sa susunod na taon.
Ipinapanukala ni drilon na gamitin ang siyam na bilyong pisong confidential at intelligence fund o kayay ang 16. 4 billion na anti insurgency fund.
Maari rin aniyang kunin ang 468 billion na lump sum appropriations para tulungan ang mga apektado ng covid 19 pandemic.
Meanne Corvera