Davao city binaha bunsod ng pag-ulang dala ng LPA
Nabigla ang nasa 400 residente sa Davao City kagabi, sanhi ng flashfloods dulot ng malakas na mga pag-ulan na dala ng low pressure area na nakapaloob sa Intertropical Convergenze Zone o ITCZ.
Agad namang nailikas ng Team Davao Rescue team ang mga ito at nadala sa ligtas na lugar.
Batay sa report, umabot hanggang dibdib ang taas ng tubig baha.
Ayon sa Davao City Risk Reduction and Management Office, ang higit 400 inilikas na mga indibidwal ay mula sa mga Barangay ng Crossing Bayabas, Catalunan Pequeño, Sto. Niño, Talomo Proper at Communal.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na bibigyan ng ayuda ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.