Davao City health office naglunsad ng libreng RT-PCR test para sa mga tsuper
Nagsagawa ng libreng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test ang City Health Office ng Davao para sa mga tsuper ng public utility vehicle, courier service at food delivery na isinagawa sa Crocodile Park, Maa,Davao City.
Bukod sa RT-PCR testing, namahagi rin ang local government unit (LGU) ng Davao ng grocery packs, vitamins at free snacks.
Ang drive thru RT-PCR testing ay bukas (open) para sa mga tsuper mula Abril 26 hanggang Mayo 8 mula Lunes hanggang Sabado, sa ganap na alas 8:30 ng umaga hanggang alas 11:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Kailangan lang magdala ng ballpen at lisensya o kahit anong government issued IDs.
Ang proyektong ito ay pagtugon ng lokal na pamahalaan sa Executive Order # Series of 2021 na kilala sa tawag na “Order Providing For Heightened Surveillance and Response of COVID-19 Cases in Public Ground Transport and Delivery Services in Davao City” na ipinalabas ni Mayor Sara Duterte noong Abril 22,2021.
Ulat ni Noreen Ygonia