Davao City, magtatalaga ng militiamen para magbigay seguridad sa Lungsod

Idedeploy ang 85 militiamen sa Davao City para masigurado ang kaligtasan ng mga residente sa mga terrorist attack.

Mga miyembro ng Civilian Active ang ia-assign sa army na papangunahan ng Task Force Davao.

Ayon kay Mayor Sara Duterte-Carpio, inaasahan niya na dadagdag sa seguridad ng Davao ang militiamen.

Dagdag pa ni Inday Sarah, malaking sakripisiyo ang gagawin ng mga civilian force dahil mababawasan ang oras nila para sa kanilang pamilya para maprotektahan ang siyudad.

ilalagay ang mga bagong Task Force Davao members sa tatlong pangunahing entry at exit point  sa Lungsod.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *