Davao City Mayor Sarah Duterte, inihahanda umano ni Pangulong Duterte para tumakbo sa 2022 Presidential elections
Si Davao Mayor Sarah Duterte umano ang inihahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2022 Presidential elections para pumalit sa kanya sakaling bumaba na ito sa puwesto.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes ito ang dahilan kaya madalas na kasama ngayon ng Pangulo ang anak na alkalde kahit pa sa mga pagbisita nito sa ibang bansa.
Layon umano nitong maprotektahan ang Pangulo sa mga kasong maaari nitong kaharapin oras na matapos ang kaniyang termino.
Inaasahan na ayon kay Trillanes na kabi-kabila ang isasampang kaso kay Pangulong Duterte dahil sa human rights violations at mga napatay sa giyera kontra droga.
Sabi ni Trillanes ang impormasyon ay sinabi sa kaniya ng isang miyembro na kaalyado ng kampo ni Duterte na hindi nito pinangalanan.
Last option umano ng Pangulo ang pagkandidato ni Mayor Duterte sakaling hindi umusad at magtagumpay ang kanilang isinusulong na pagpapalit sa sistema ng gobyerno patungong Federalismo.
Ulat ni Meanne Corvera