Davao Occidental at Surigao del Norte niyanig ng lindol
Niyanig ng lindol ang Davao Occidental at Surigao del Norte kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magnitude 3.4 ang lindol na tumama sa Davao Occidental kaninang alas-12:48 ng madaling araw.
Ang episentro nito ay sa layong 87 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Jose Abad Santos.
May lalim itong 19 na kilometro.
Samantala, nakaranas din ng magnitude 3.5 at 3.0 na mga pagyanig ang General Luna, Surigao del Norte kaninang ala-1:34 at alas-2:15 ng madaling araw.
May lalim na walo at tatlong kilometro ang mga pagyanig.
Tectonic ang dahilan ng mga lindol na hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang aftershocks o kasunod pang mga pagyanig.
====================