Davis, pumayag sa five-year deal sa Lakers
LOS ANGELES, United States (AFP) — Lumagda na ng isang five-year contract sa Los Angeles Lakers, si Anthony Davis. Isang araw lamang ang nakalipas matapos lumagda ng NBA superstar na si LeBron James para naman sa isang two-year extension.
Ayon sa reports, ang kontrata ni Davis na nilagdaan ng Huwebes, ay nagkakahalaga ng $190 million, at sa kaniyang first season sa Los Angeles kung saan makakasama niya si James, ay inaasahang pangungunahan nila ang Lakers para sa 17th NBA championship.
Noong Mierkoles, sinabi ng agent ni James na pumayag ang NBA star sa isang two-year, $85 million contract extension kung saan mananatili siya sa Lakers hanggang 2021-2024.
Ang 27-anyos na si Davis ay pitong taong naglaro sa koponan ng New Orleans Pelicans, bago lumipat sa Los Angeles noong June 2019, kasama si Lonzo Ball, at ilan pang draft picks.
Subalit sa huling taon ng kaniyang kontrata ay pinili ni Davis na maging free agent, ngunit ngayon ay kikita na siya ng $43.2 million sa final year ng bago niyang kontrata.
Si Davis ay nasa ika-10 pwesto sa NBA scoring, kung saan mayroon siyang 26.1 points per game at average 9.3 rebounds at 3.2 assists sa 2019-20 kasama ang Lakers.
Siya ang first pick sa 2012 NBA entry draft.
© Agence France-Presse