Dayuhang pagmamay-ari ng telcos at airlines, pinahintulutan ng Pilipinas

Photo: pna.gov.ph

Niluwagan na ng Pilipinas nitong Lunes ang mga restriksiyon para pahintulutan ang dayuhang pagmamay-ari ng airline, telecommunications at shipping operators, sa pagnanais na maragdagan ang mga trabaho at mapasigla ang mga aktibidad sa bansa.

Ang Pilipinas ay matagal nang nahihirapang humikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, dahil itinataboy sila ng red-tape, korapsiyon at political uncertainty, at sa halip ay sa mga katabing bansa na lamang namumuhunan ang mga ito ng bilyun-bilyong dolyar.

Ang pag-amyenda sa 85-taong-gulang nang Public Service Act ang pinakabagong pagsisikap na ligawan ang mga dayuhang pamumuhunan at pataasin ang kumpetisyon sa mga sektor na matagal nang pinangungunahan ng ilang lokal na mga negosyante.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte . . . “I believe that with this law, the easing of foreign equity restrictions will attract more global investors, modernise several sectors of public service and improve the delivery of essential services.”

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, na luluwagan ang foreign equity restrictions sa ilang sektor kabilang ang telecommunications, shipping, airlines, railway at subways.

Ang amyenda ay hindi naman aplikable sa mga sektor na classified bilang public utilities, gaya ng water at electricity distribution, kung saan ang cap ng foreign equity ay namamalaging 40 percent.

Nananatili naman sa kapangyarihan ng pangulo ang pag-block sa isang panukala ng pagtake-over ng dayuhan sa isang public service. 

Malugod na tinanggap ng mga eksperto ang kaluwagan ngunit nagbabala na marami pang kailangang gawin upang mapalakas ang kumpiyansa sa pamumuhunan sa bansa.

Ayon kay Alvin Ang, isang economics professor sa Ateneo de Manila University . . . “Opening the door does not necessarily mean they will all enter, because it will depend on their review on the feasibility of coming in. They might ask for something else, so that may require fixing or renovating … that could be ease of doing business, that could be governance, that could be regulatory capacity, that could be quality of support.”

Lumitaw sa isang 2020 index na inilathala ng Organization for Economic Cooperation and Development, na ang Pilipinas ay kabilang sa ilan na may mga pinakamahihigpit na panuntunan sa foreign direct investment sa mundo.

Ang Pilipinas ay nasa ika-95 puwesto mula sa 190 mga bansa sa “Doing Business 2020” report ng World Bank.

Ayon kay Filomeno Sta. Ana, executive director of Action for Economic Reforms . . . “In itself, it’s good, but then you also have to consider other factors that will affect investment sentiment. The outcome of the 2022 elections will be very critical in shaping investments and the economy. If we can get a good leader, interventions like the Public Service Act will provide an additional boost to investor sentiment optimism.”

Nitong mga nakaraang buwan, ibinaba ng Pilipinas ang mga hadlang sa dayuhang pamumuhunan sa iba pang sektor ng negosyo habang sinisikap ng bansa na buhayin ang isang ekonomiyang nasalanta ng coronavirus pandemic.

Please follow and like us: