DBM: Higit P1.5 billion na Special Allotment para sa ‘Odette’ victims, aprubado na
Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang mahigit 1.5 billion pesos na special allotment para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Tatanggap ng tig-sampung libong pisong emergency shelter assistance ang mahigit isangdaan at limampung libong pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette na tumama noong Disyembre 2021 na nanalasa sa Regions VI, VIII, X at XIII.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, itinuturing ng bawat isa ang tahanan bilang isang safe haven o ligtas na lugar kaya naman kaisa ang DBM sa pagtulong upang maayos ang mga nasirang tahanan ng bagyong Odette.
Inihayag pa ni Pangandaman na hindi nakalimutan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga biktima ng nasabing bagyo.
Eden Santos