DBM, kinukwestyon sa napakaliit na Budget para sa pabahay ng gobyerno
Kinukwestyon ng mga senador ang napakaliit na budget na inilaan ng gobyerno para sa pagpapatayo ng pabahay sa susunod na taon kumpara sa napakalaking budget ng gobyerno para sa intelligence at confidential funds.
Sa budget hearing para sa panukalang pondo ng Department of Human Settlements and Urban Development, Kinuwestyon ni Senate minority leader Franklin Drilon bakit umaabot lang 3.98 billion pesos ang pondo para sa housing sector na isa sa prayoridad ng gobyerno .
Mas malaki pa ang intel funds na 4.5 billion pesos tila mali aniya ang priorities ng gobyerno dahil paano nito mai-rerelocate ang mga informal settlers para sa mga residente na nasa mga waterways at mga apektado ng karahasan sa mindanao kung kakarampot ang budget.
Ang DHSUD ay humihiling ng 76.19 billion na budget para sa 2021 pero 3.98 billion pesos lang ang inaprubahan ng dbm.
Humihingi ang DHSUD ng karagdagang 12 billion pesos para sa public housing assistance program kasama na ang rehabilitasyon sa marawi city.
Meanne Corvera