De Minaur sasabak na sa kaniyang Olympic debut sa Paris
Sasabak na sa kaniyang Olympic debut sa Paris sa susunod na buwan, ang world tennis number nine na si Alex De Minaur, tatlong taon makaraang hindi makapaglaro sa Tokyo Games dahil sa Covid.
Napili si De Minaur nitong Miyerkules upang manguna sa four-pronged Australian medal assault sa men’s singles kasama sina Alexei Popyrin, Chris O’Connell at Rinky Hijikata, na lahat ay lalahok sa kanilang unang Olympics.
Sinabi ni De Minaur, “Obviously last time round I got a little bit unlucky to not be able to play in Tokyo. But I’ve had my eyes set on Paris and I am super excited to now be officially part of this team. I am really looking forward to just immersing myself in what it means to be an Olympian.”
Samantala, si Ajla Tomljanovic lamang ang tanging Australian sa women’s singles draw.
Sinabi ng world number 135 na si Tomljanovic, “It feels amazing to be selected to my second Olympic team.”
Ang Roland Garros ang magho-host ng tennis sa Paris, na pangalawang pagkakataon pa lamang sa kasaysayan ng Olympic na ang torneo ay lalaruin sa clay, pagkatapos ng Barcelona noong 1992.
Makakatuwang ng top-ranked doubles player na si Matt Ebden ang Tokyo mixed-doubles bronze medalist na si John Peers sa men’s doubles, kung saan sasabak din si De Minaur at makakatambal niya si Popyrin.
Magiging partner naman ng world number nine doubles player na si Ellen Perez sa women’s doubles para sa Australia, si Daria Saville.
Ang mixed-doubles partnerships ay i-aanunsiyo bago ang selection deadline sa July 24.
Ang Paris Olympics opening ceremony ay gaganapin sa July 26, at ang tennis tournament ay sisimulan kinabukasan.