Deadline ng filing ng SALN ng mga nasa hudikatura, pinalawig hanggang sa Mayo 31
Mula sa dating Abril 30 ay iniurong na sa Mayo 31 ang deadline ng paghahain ng 2020 SALN ng mga mahistrado, hukom, at kawani ng mga korte.
Ayon sa Office of the Court Administrator, iniutos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagpapalawig ng deadline ng SALN filing.
Ito ay bunsod na rin ng pagsasailalim sa Metro Manila at ilan pang lalawigan sa ECQ at MECQ mula pa noong March 28.
Alinsunod sa administrative circular na inisyu ni Gesmundo, sinabi na pinapayagan ang email submissions ng SALN.
Pero, ito ay para lamang sa mga opisyal at kawani ng Korte Suprema na hindi pwedeng pisikal na isumite ang SALN dahil sa sakit, quarantine, travel restrictions, at kung mataas ang risk na mahawahan ito ng virus bunsod ng katandaan at iba pang taglay na karamdaman.
Moira Encina