Deadline sa substitution ng mga kakandidato sa May 2022 elections wala ng extension – COMELEC
Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na wala ng extension matapos ang deadline ngayong araw sa substitution process sa mga kakandidato sa ibat-ibang national position para sa May 2022 elections.
Sinabi ni COMELEC Spokesperon James Jimenez na pinal na ang November 15 na deadline batay sa en banc Resolution number 10717 ng poll body.
Ayon kay Jimenez hihintayin ng COMELEC ang lahat ng substitution na gagawin ng ibat-ibang political parties hanggang alas 5:00 ng hapon.
Inihayag ni Jimenez na ministerial duty lamang ang papel ng COMELEC mula sa filing ng Certificate of Candidacy o COC hanggang sa substitution process para sa mga kakandidato sa halalan sa susunod na taon.
Vic Somintac