Death Penalty Bill, haharangin ng oposisyon sa Senado
Nagbabala ang oposisyon sa Senado na masusing babantayan ang deliberasyon sa panukalang Death Penalty Bill sakaling umakyat na ito sa plenaryo
Ayon kay Senador Bam Aquino, haharangin nila ang panukala dahil tiyak na mga mahihirap na bilanggo ang tatamaan kapag pinalusot ito ng kongreso.
Karamihan sa mga nakakulong na maaaring patawan ng bitay ay puro mahihirap na Pilipino na kadalasan ay dehado pagdating sa hukuman at walang kakayahang kumuha ng abogado.
Nauna nang ipinagpaliban ang pagdinig sa Committee on Justice sa pangamba na maaaring labagin ng bansa ang Treaty of International Convention on Civil and Political Rights na pinirmahan nito noong 1986.
Ipinagbabawal ng nasabing kasunduan ang pagbitay bilang uri ng kaparusahan.
Sa nasabing pagdinig, hinikayat ni Sen. Bam ang mga kapwa mambabatas na alamin muna sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang epekto ng mga kasunduan na may kaugnayan sa death penalty.
Ulat ni: Mean Corvera