Death penalty maliit na ang tyansang lumusot sa Senado
Inamin ni Senador Panfilo Lacson na maliit na ang tyansang lumusot ang death penalty bill sa Senado.
Kasunod ito ng pagkakaapruba ng kamara sa third at final reading sa House Bill 4727 na layong patawang ng parusang bitay ang mga drug related offenses.
Sinabi ni Lacson, isa sa mga author ng panukalang ibalik ang bitay na hanggang ngayon nakapending pa sa committee level ang pitong panukalang batas.
Sa kanyang bilang, labindalawa lang sa dalawmaput apat na Senador ang pabor na maipasa ang panukalang batas.
Batay anya ito sa kaniyang ginawang informal discussions sa mga kapwa Senador.
Pagtiyak naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, haharangin nila ang death penalty bill at magkakaroon ng iisang stand o solid vote sa panukala.
Ulat ni : Mean Corvera